Martes, Setyembre 27, 2016



ANG BATANG MATULUNGIN AT MASUNURIN”
Si Paul ay nagmamadaling lumabas ng paaralan upang umuwi. Paggagalitan siya ng ina kapag mahuli siya sa pag-uwi.
Habang naghihintay siya sa sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi nya upang umabang dn ng sasakyan maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi  dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.
Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kya ipina-ubaya nalang nya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento